-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot sa 80 pares ng magkarelasyon ang isinailalim sa seremonya ng libreng kasal sa covered court ng bayan ng Banga, South Cotabato kasabay ng Valentine’s Day ngayong araw.

Ang nasabing mga couple ay kabilang sa mga nakabenipisyo sa Kasalan ng Bayan na may libreng cake at lechon mula sa Local Government Unit.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal sa IP’s couple, sinabi ng mga ito na espesyal ang araw na ito para sa kanila dahil nabigyan sila ng pagkakataon na makapagpakasal matapos ang maraming taon na pagsasama na ng mga ito.

Nakasuot din sila ng kanilang IP’s costume upang ipakita na proud sila sa kanilang tribo.

Maliban sa kanilang may mga higit sampung taon na ring mga nagsasama na hindi pa na kasal ang nabiyayaan ng libreng aktibidad.

Napag-alaman na kada taon ay isinasagawa ang nabanggit na aktibidad sa bayan ng Banga ngunit nahinto lamang noong nakalipas na dalawang taon dahil sa pandemya.