-- Advertisements --
JERUSALEM – Umaabot sa 81 katao ang nasawi, habang 188 na iba pa ang sugatan sa nangyaring air strikes ng Israel sa Gaza.
Ito ay nangyari umano bago pa man ang pag-iral ng ceasefire deal sa pagitan ng Hamas at Israel sa Linggo.
Matatandaang una nang inanunsyo ng Qatar at US government ang peace deal ng dalawang panig, kung saan sila ang mga naging mediator.
Ayon sa Hamas-run health ministry, naitala ang mga nasawi sa loob lamang ng isang araw.
Lumalabas na nagkaroon ng walong ulit na pag-atake ang Israeli forces.
Wala pang opisyal na pahayag na inilalabas ang Israel kaugnay ng naganap na mga pag-atake.