-- Advertisements --
ASCOTF3

Iniulat ngayon ng PNP Administrative Support to Covid-19 Task Force (ASCOTF) nasa 216,559 police personnel na ang nabakunahan ng Covid-19 vaccine kung saan mahigit 80% na dito ang fully vaccinated.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PNP The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, kaniyang sinabi nasa 6,001 na lamang sa kanilang personnel mula sa kabuuang 222,560 pwersa ang hindi pa nababakunahan.

Ayon kay Lt Gen. Vera Cruz, batay sa datos ng Health Service nasa 179,848 personnel na ang nakakumpleto ng kanilang bakuna habang nasa 36,711 naman ang nakatanggap na ng first dose.

Sa kabuuan nasa 216,558 doses ng Covid-19 vaccine ang na-administered sa PNP.

Dagdag pa ng Heneral, nasa kabuuang 89,940 dito ang naturukan ng Sinovac; 65,698- Astrazeneca; 13,925 – Sputnik V; 9,251-Pfizer; 5,411- Moderna; 35,130 – Janssen at 203 – Sinopharm.

Sa nasabing bilang, 74,666 ang fully vaccinated ng Sinovac; AstraZeneca – 48,299; Sputnik V – 10,722; Pfizer -7,468; Moderna – 3,436; Janssen – 35,130 at Sinopharm – 121.

Habang ang mga naturukan ng first dose, Sinovac – 36,716; AstraZeneca-17,399; Sputnik V – 3,203; Pfizer -1,783; Moderna – 1,975; Sinopharm-121.

Kumpiyansa naman si Lt Gen. Vera Cruz na kanilang makumbinsi ang kanilang mga tauhan na ayaw pa rin magpa bakuna.

Tiwala din ang Heneral na ngayong tuloy-tuloy ang kanilang vaccination sa ibat-ibang regional police offices, tiyak matatapos na nila ang pagbabakuna sa kanilang tauhan ngayong buwan ng Oktubre.