TOKYO – Mahigit 80 katao ang sugatan matapos bumangga ang isang high-speed boat sa pinaghihinalaang balyena sa Sea of Japan.
Ayon sa Coast Guard mula sa Niigata prefecture, patungong Sado Island ang high-speed hydrofoil ship na nanggaling sa port of Niigata nang mangyari ang trahedya.
Sa 121 pasaherong lulan ng nasabing bangka, 87 rito ang nagtamo ng injury.
Bagama’t mayroon pang malay, kinailangang i-airlift ang 13 mga pasahero patungo sa pagamutan.
Sa pahayag ng mga ferry operators, tumama umano sa isang object ang sea vessel, na nag-iwan ng anim na pulgadang bitak sa stern nito.
Humingi naman ng paumanhin ang ferry operator sa kanilang mga kostumer.
Sinabi naman ng Sado Steam Ship Company, na siyang operator ng Ginga ferry, nakarating naman daw sa destinasyon ang nasabing bangka halos isang oras na atrasado sa orihinal na sched