-- Advertisements --

Nasa 822 barangays na dating NPA infested areas ang na-cleared na ngayon ng government forces ang recipient sa P16.44 Billion pondo na ilalaan ng gobyerno para sa Barangay Development Program (BDP).


Ayon kay National Security Adviser, Sec. Hermogenes Esperon Jr. ang mga nasabing barangays ay mga dating lugar na target ng operasyon ng militar dahil sa kanilang impluwensiya sa CPP-NPA.

Sinabi ni Esperon kailangang tutukan ng pamahalaan ang mga nasabing barangays lalo na sa pagbibigay ng mga development projects ng sa gayon hindi na muli ito maimpluwensiyahan ng komunistang rebelde.

Ibinunyag ni Esperon na ilan sa mga lugar na idiniklarang insurgency free ay nagawan muling maimpluwensiyahan ng CPP-NPA.

Kaya target ngayon ng pamahalaan na idevelop sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga proyekto sa mga nasabing lugar para tuluyan ng mawala ang presensiya at impluwnesiya ng komunistang grupo.

Binigyang-diin rin ni Esperson na kanilang ilalabas ang listahan ng mga barangays na recipient ng nasabing programa.

Layon nito para alisin ang pangamba na basta basta na lamang pinili ng National Task Force ELCAC ang mga nasabing barangays.

Ang mga nasabing barangays ay mula sa Cordillera, region 1, region 2, region 3 hanggang sa region 13.

Kabilang sa mga proyekto na ilalaan ng pamahalaan ay ang farm to market roads, school buildings, water irrigation, health station, forest protection.

Nilinaw ni Esperon na ang mga LGUs ang siyang magpapatupad ng mga nasabing mga proyekto.

Umaasa ang kalihim na maaprubahan na ang hiling nilang pondo.


Una ng kinontra ng Makabayan block ang nasabing pondo.