ILOILO CITY – Aaabot sa higit 800 kilo ng mga frozen at processed assorted meat ang nakumpiska ng mga kinatawan ng Provincial Veterinary Office sa airports, seaports, at iba pang entry points sa Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Jonic Natividad, chief ng Regulatory Division ng Department of Agriculture Region 6, sinabi nito na galing sa North Cotabato, Pampanga, Bulacan, Maynila, at Batangas, ang mga produkto at nakatakdang sanang dalhin sa iba’t ibang lugar sa Iloilo.
Anya, walang naipakitang mga dokumento ang may-ari ng mga kargamento kaya ito kinumpiska.
Isa rin itong paglabag sa Provincial Ordinance sa Iloilo na nagbabawal sa pagpasok ng mga karneng baboy at pork products bilang tugon na rin laban sa African Swine Fever.
Agad naman sinunog ang mga nakumpiskang produkto.