-- Advertisements --

Pumalo na sa 812 na mga indibidwal ang inaresto ng PNP dahil sa paglabag sa umiiral na Commission on Elections (Comelec) gun ban sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay PNP Chief Police Director Gen. Oscar David Albayalde, simula nang mag-umpisa ang election period buhos na ang mga lumalabag sa Comelec gun ban.

Ang nasabing bilang ay mula April 14, 2018 hanggang April 30.

Posibleng tumaas pa ang bilang ng mga lalabag sa gun ban.

Iniulat naman ni Albayalde na nasa 574 na armas ang nakumpiska ng mga pulis sa mga gun ban violators.

Nilinaw ni Albayalde na hindi pa kasama sa bilang ng mga naarestong gun ban violaators ang tatlong magkakapatid na pulis na sina PO1 Ralph Soriano, PO1 Rendel Soriano at PO1 Reniel Soriano na nanugod ng sibilyan sa Caloocan City.