-- Advertisements --
Iniulat ng Metropolitan Manila Development Authority na magpapakalat sila ng aabot sa higit 800 na mga tauhan sa gaganaping Traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9, 2024.
Sa isang pahayag, sinabi ni MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes,ang mga ito ay may mandatong magbantay sa kabuuan ng Traslacion.
Bukod sa kanilang ipakakalat na mga personnel , maglalagay rin sila ng mga Ambulansya, Road Emergency at Patrol Vehicles.
Sinabi pa ng opisyal, anumang oras ay nakaalerto ang kanilang command center para i monitor ang pinakahuling kaganapan ng Traslacion.
Samantala, wala pa ring patid ang kanilang isinagawang clearing operations sa mga Sidewalk na pagdaraanan ng Itim na Nazareno.