-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Mahigit 8,000 mga empleyado ng Small Town Lottery (STL) sa probinsya ng Leyte ang nawalan ng trabaho.

Kasunod ito sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapasara sa lahat ng mga gaming operations sa ilalim ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Renan Lagado, manager ng STL-Leyte, karamihan sa kanilang mga trabahador ay inaasa sa STL ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Kaugnay nito ay umaasa naman si Lagado na magbabalik ang operasyon ng STL nang sa gayon ay muling magkaroon ng trabaho ang kanilang mga empleyado.

Nito lamang weeked ay aabot sa 1,587 gaming schemes sa Eastern Visayas ang ipinasara ng pulisya.