-- Advertisements --

Mahigit 1,400 flights ang kinansela ngayong araw kung saan higit na apektado ang mga patungo sa China at US dahil sa naitatalang COVID-19 cases bunsod ng highly transmissible Omicron variant.

Washington Dulles airport
Washington Dulles International Airport

Majority ng flights ang kinansela sa Chinese companies kabilang ang China Eastern na nagkansela ng 368 flights at Air China na nagkansela ng 141 flights.

Lubos na apektado ang mga paliparan sa Beijing at Shanghai na nagkansela ng 300 flights sa kabuuan.

Samantala ayon naman sa US airlines, ang dahilan ng pagkaantala ng flights ay ang pagpositibo sa COVID-19 o pag-isolate ng mga crew.

Labis na naapektuhan na US companies ay ang United na may 84 cancellations at JetBlue na may 66 flights ang kinansela.

Mahigpit din na mino-monitor ng US authorities ang ilang cruise ships na nakapagtala ng COVID-19 cases na pumapalaot sa karagatang sakop ng Amerika.

Sa ngayon, ang Omicron na ang dominant strain ng COVID-19 sa US.

Sa kabuuan pumapalo na sa mahigit 8,000 flights ang grounded mula noong bisperas ng Pasko.