Pumalo na sa higit 8, 800 ang bilang ng mga indibidwal na pansamantalang namamalagi sa mga evacuation center dahil sa epekto ng Bagyong Aghon.
Ang datos na ito ay inilabas ng Department of Social Welfare and Development.
Ito ay katumbas ng 2,500 pamilya mula sa rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, at Region V .
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumalao, 2200 ng mga pamilya mula sa naturang bilang ay namamalagi sa open evacuation sa rehiyon ng CALABARZON.
Aabot naman sa 200 na pamilya ang nagmula sa MIMAROPA at ang 43 ay mula sa Camarines Sur.
llan sa mga apektadong pamilya sa nasabing mga rehiyon ay mas piniling manirahan sa kanilang mga kamag-anak.
Wala naman patid ang pamamahagi ng tulong ng ahensya sa mga apektadong residente partikular na ng mga relief items.