Umakyat na sa kabuuang ₱81.84-million ang naging danyos sa sektor ng agrikultura nang dahil sa nagdaang bagyong Aghon sa bansa.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Department of Agriculture ngayong araw.
Batay sa kasalukuyang datos ng DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center, aabot na sa higit 2,500 metriko tonelada ang naging production loss sa nasabing sektor.
Habang aabot naman sa higit 900 ektarya na naapektuhan ng sama ng panahon.
Kaugnay nito, 24,514 ang mga namatay sa livestock at poultry sector.
Sa bahagi naman ng CALABARZON ay nakapagtala rin ng pinsala sa agricultural infrastructure at mga makinarya.
Tinatayang papalo naman sa 1,482 na mga magsasaka ang labis na naapektuhan ng bagyo.
Samantala, patuloy naman ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga naapektuhang LGU upang maipabot ang tulong sa mga magsasaka na nasalanta.
Nagpaabot na ito ng nasa ₱23.06-milyong halaga ng binhi at iba pang tulong sa ilalim ng Survival and Recovery Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council.