-- Advertisements --

Umakyat na sa higit 88,886 indibidwal o nasa 22,827 pamilya ang inilikas kasunod ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, ang mga nasabing evacuees ay mula sa 56 barangays mula sa bayan at siyuda ng Bacacay, Camalig, Guinobatan, Ligao City, Daraga, Tabaco City, Malilpot, Santo Domingo, Legazpit City sa probinsiya ng Albay.

Sinabi ni Marasigan sa nasabing bilang nasa 18,365 pamilya o 69,672 katao ang kasalukuyang nananatili sa 69 evacuation centers.

Habang ang nasa 11,946 indibidwal ay nananatili sa kanilang mga kamag-anak.

Tiniyak naman ng NDRRMC na may sapat na pagkain at suplay na family food packs para sa mga apektadong pamilya.

Nasa 26,000 family food packs na ang ipinadala ng pamahalaan sa Albay.

Giit ni Marasigan sa ngayon mayroon pang ikinakarga ngayon ang Philippine Coast Guard na 7,400 na karagdagang family food packs patungong Albay.