Nasa 9, 356 police personnel ang ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) para magmando sa itinatag na 1,106 Quarantine Control Points (QCPs) sa NCR Plus Bubble ngayong umiiral na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) epektibo alas-12:00 kaninang madalint araw.
Siniguro ni PNP Deputy Chief for Operations at JTF Covid Shield Commander Lt. Gen.Cesar Hawthorne Binag na simula pa kahapon ng alas-6:00 ng gabi naka preposition na ang mga police personnel sa mga itinalagang checkpoints.
Ayon kay Binag, mahigpit ang direktiba ni PNP Chief Gen. Debold Sinas sa mga kapulisan na maging flexible sa mga checkpoints at siguraduhin na mga essential workers lamang ang pinapayagang lumabas at pinapayagang makabili ng mga essential goods.
Kapag lumabag sa quarantine protocols pababalikin lamang ang mga ito o iisyuhan sila ng ticket o dalhin sila sa isang lugar bibigyan ng lecture.
Hindi na rin hihingan ng mga pulis ang mga essential workers ng travel authority kundi ID na lamang mula sa kanilang kumpanya.
Tutulong din ang PNP HPG at iba pang police units sa pagsasagawa ng inspection.
Pinayuhan din ng PNP ang mga non APOR na huwag ng lumabas ng bahay ng sa gayon hindi na madagdagan pa ang posibilidad na mahawa ng Covid-19 virus lalo na ang mga may edad 18 years old below at over 65 years old.
Pina-alalahan din ni Binag ang mga kapulisan na ingatan din ang kanilang kalusugan ngayong patuloy na tumataas ang bilang ng Covid-19 cases sa PNP.
Alas-6:30 kaninang umaga umalis Binag sa Camp Crame para magsagawa ga inspection sa mga quarantine control points.
Unang ininspeksyon ni Binag ngayong umaga ang Susana Heights Exit atTunasan-San Pedro Boundary.