-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ng City Health Office (CHO) ng Tagum City na mayroon silang inoobserbahan na higit 90 pa na mga indibidwal na posibleng nahawa rin ng Delta variant ng COVID-19.

Nabatid na una ng kinumpirma ng Department of Health (DOH-11) na nakapagtala na ng Delta variant ang nasabing lugar dahilan na mahigpit ang ipinatupad na mga hakbang para lamang mapigilan ang transmission nito.

Nanawagan din ang lokal na pamahalaan ng Tagum na manatiling alerto kahit na bumaba ang quarantine classification mula MECQ hanggang GCQ with heightened restrictions at mas mabuting iwasan ang transmission.

Nanawagan din ang mga opisyales ng Tagum City at mga miyembro ng Nabunturan COVID-19 Crisis Team, na sumunod sa kautusan partikular na ang Minimum Public Health Standards.

Una nang nagsagawa ng pagpupulong ang mga opisyal ng lalawigan para paghandaan ang mga hakbang laban sa Delta variant.