-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 90,000 pamilya o mahigit 362,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Tisoy matapos itong manalasa sa Regions 3, 5 at 8.
Itoy batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa nasabing bilang, mahigit 86,000 families ang nananatili sa evacuation centers habang mahigit 4,000 families ang nakikituloy sa kanilang mga kamag-anak.
Nadagdagan din ang bilang ng mga bahay na nasira ng bagyong Tisoy na ngayon ay umaabot na sa 28, kung saan 15 dito ay totally damaged habang 13 ang partially damaged.
Nasa 198 na lugar naman ang nawalan ng supply na kuryente sa Regions 5, 8, CAR at CALABARZON.
Ayon sa NDRRMC nagpapatuloy ang kanilang damaged assessment sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Tisoy.