-- Advertisements --
deadline afghans

Muling ipinagpatuloy ngayon ang puspusang evacuation flights mula sa Afghanistan na lalong pinabilis pa, isang araw matapos ang dalawang magkasunod na suicide bombings sa airport doon sa Kabul.

Nangangamba kasi ang Amerika, na meron na namang mangyayaring pagtatangka na pambobomba habang nalalapit na ang August 31 deadline sa tuluyang paglisan ng mga sundalong Amerikano at iba pang allied troops.

Una rito, umakyat na ang bilang sa mahigit 90 sa mga nasawi sa nangyaring twin bombings kasama na ang 28 mga Taliban members.

Liban nito mahigit naman sa 150 ang mga sugatan na karamihan ay mga Afghans na desperadong makaalis sa kanilang bansa.

Ang mga US soldiers na namatay naman sa pagsabog ay umaabot na sa 13, at meron ding 18 sugatan.

Ayon sa isang opisyal ng Taliban, kung tutuusin mas marami silang namatay na mga tauhan kaysa sa mga US soldiers.

Samantala mula noong Agosto 14, umaabot na sa 104,000 na mga civilians at mga sundalo ng ibat ibang mga bansa ang inilakas sa Afghanistan.

Kasama sa naturang bilang ang nasa 5,000 Americans.

Pero meron pa raw mahigit sa 1,000 American civilians ang naiipit pa rin sa naturang bansa.