-- Advertisements --
Nasa 979 na eskwelahan ang ipagpapaliban ang kanilang school opening dulot ng Bagyong Carinan at habagat.
Ayon sa Department of Eduaction, ito ay dahil sa paglilinis at rehabilitasyon ng ilang public schools na apektado ng nagdaang bagyo.
Nasa 225 ang bilang ng mga paaralan na postponed ang opening of classes sa National Capital Region (NCR), 231 sa Region I, nasa 452 sa Region III, 67 naman sa Region IV-A at 4 sa Region XII.
Samantala, as of July 28, 2024, ang bilang ng mga nag-enroll para ngayong pasukan, kabilang na ang nasa Alternative Learning System (ALS) ay nasa 19,268,747.
Inaasahan pa sa mga susunod na araw na tataas pa ito ayon sa DepEd dahil marami pa rin umano ang mga humahabol na mag enroll.