Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Justice na posibleng umabot sa mahigit siyam na libong mga bilanggo ang mapalaya dahil sa pagpapatupad ng bagong Implementing Rules & Regulations ng Revised Penal Code.
Ito ay matapos na pirmahan ng Department of Justice at Department of the Interior and Local Government ang naturang regulasyon.
Ayon sa DOJ, nilalayon ng bagong Implementing Rules & Regulations na ito na rebyuhin ang lahat ng mga datos o profile ng PDLs upang mapalaya na ang ilan sa mga ito.
Ibig sabihin ay maaari nang mabigyan ng maikling sentensya ang mga bilanggo sa ilalim ng pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance.
Ang naturang bilang ng mga inmate na maaaring mabigyan ng parole dahil sa kabutihang asal ay batay sa pagtataya ng DOJ, Bureau of Corrections, at Bureau of Jail Management and Penology.
Sa datos, pumalo na sa mahigit 350% ang bilang ng nabawas sa sa jail congestion sa Pilipinas mula ng maupo si PBBM.
Dahil rin ito sa inisyatiba ng gobyerno na mapaluwag ang mga piitan sa bansa.