Aabot na sa mahigit 2,880 na pamilya o katumbas ng kabuuang 9,403 indibidwal mula sa limang bayan at lungsod sa Negros Occidental ang nailikas na ng mga otoridad matapos na pumutok ang Kanlaon Volcano.
Ang datos na ito ay kinumpirma mismo ng pamunuan ng Office of Civil Defense.
Sa barangay Cabagnaan, Camandag, Sag-Ang, Biaknabato, Mansalanao, Masulog, Manghanoy, at Robles sa bayan ng La Castellana, pumalo sa 5,400 indibidwal o 1,686 na pamilya ang nailikas ng mga kinauukulan.
Aabot naman sa 385 na pamilya katumbas ng 1,548 indibidwal ang lumikas mula sa barangays Mailum, Ilijan, Binubuhan, at Ma-ao at nagtungo sa mga evacucation centers.
Tinatayang umaabot rin sa 2,019 indibidwal o katumbas ng 673 na pamilya ang na evacuate mula sa barangay Yubo at Ara-al sa lungsod ng La Carlota habang 400 katao o katumbas ng 132 pamilya ang inilikas sa dalawang barangay sa Pontevedra.
Patuloy naman ang isinasaganawang paglilikas ng mga otoridad .