KORONADAL CITY – Umabot sa higit isandaang mga indibidwal mula sa Purok Lower Ladol , Koronadal City ang lumikas patungo sa Brgy. Gym ng Brgy. Sta. Cruz gym dahil sa baha at landslide sa kanilang lugar.
Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo Koronadal ni City Disaster Risk Reduction Management Officer (CDRRMO) Cyrus Urbano.
Ayon sa kanya, umabot sa 40 na pamliya ang nanatili sa kayon sa Brgy. Gym ng Brgy. Sta Cruz.
Dagdag pa ni Urbano na mayroon pang bagong panganak ang kasama sa mga bakwit na agad na isinailalim sa check-up ng City Health Office.
Wala pang advise kung kailan makakabalik ang mga evacuees sa kanilang tahanan dahil sa nagpapatuloy na damage assessment sa lugar.
Nananawagan naman ang opisyal sa sinuman ang may mabuting kalooban na magbigay ng in kinds, food packs at ipa.
Samantala, tatlong bayan naman sa lalawiagn ng South Cotabato ang nagdeklara ng suspension of classes dahil sa walang humpay na pagbuhos ng ulan.
Ito ay kinabibilangan ng mga bayan ng Surallah, Banga at Polomolok.
Sa ngayon, patuloy na pinaalerto ang mga residente na nakatira sa mga low-lying areas na kung maaari agad na lumikas kung sakaling makakekpseryensya ng malakas na pagbuhos ng ulan.