Kinumpirma ng Manila Police District (MPD) na aabot sa mahigit isang libong kapulisan ang ipapakakalat nito na araw ng mga patay ngayong taon.
Ayon kay MPD Chief Arnold Thomas Ibay, idedeploy nila ang mga ito sa mga checkpoints, sementeryo, bus stations at iba pang mga lugar na maraming tao.
Naghanda rin sila ng tactical and strategic plan para masiguro ang safety ng publiko sa panahong ito.
Kabilang na ang mga indibidwal o pamilya na magtutungo sa Manila North at South Cemeteries.
Ayon sa MPD, aabot sa mahigit isang milyong katao mula sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya ang magtutungo sa natukoy na mga sementeryo.
Pinaalalahanan naman nito ang publko na hanggang October 25 lamang papayagan ang paglilinis at pagpipinta sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.