-- Advertisements --

Aabot sa kalahating milyong piso na halaga ng illegal na druga ang nasabat ng mga otoridad sa ikinasang operasyon sa loob ng Zamboanga del Sur provincial jail sa Pagadian City.

Base sa impormasyon, nakuha umano ang nasa tinatayang 80 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P544,000.00 mula sa isang detainee na kinilalang si Danilo Bulat-og Martinito alyas Panoy.

Maliban dito, nakuha rin sa suspek ang ang nasa 5 iba’t ibang uri ng cellphones, tablet, 8 sim cards, isang battery operated weighing scale, at maraming iba pa.

Si Martinito ay myembro umano ng isang criminal group na nakabase sa Ozamis City.

Nabatid na ikinasa ng PDEA at PNP ang naturang operasyon kasunod ng kanilang isinagawang buy bust operation sa syudad noong nakaraang araw.