CAGAYAN DE ORO CITY – Inaalam ngayon ng militar at pulisya kung sinu-sino ang mga personalidad na nagsilbing access upang mapasakamay sa CPP-NPA-Terrorist combatants ang nasa 1,076 na piraso ng 22mm x 198 grams ng dinamita at anti-personnel mine sa probinsya ng Bukidnon.
Ito ay matapos matagumpay na nakubkob ng militar at pulisya ang nabanggit na mga pasabog nang ibinunyag ng isang sumuko na rebeldeng NPA kaya agad ikinasa ang paghuhukay dahilan na narekober sa Sitio Malinao, Barangay Kalasungay, Malaybalay City, Bukidnon.
Sa ipinaabot na mensahe ni 403rd IB,Philippine Army commander Brig Gen Ferdinand Barandon na malaking tulong ang pagbulgar ng rebel surrendee na si Ronald Landasan alyas Gaspar na dating pinuno ng Sentro de Gravidad Dario ng Guerilla Front 89, Sub-Regional Committee 2 ng North Central Mindanao Regional Committee upang makompiska ang nabanggit na mga pampasabog.
Unang ibinulgar ni alyas Gaspar na kaya niya isinumbong sa militar at pulisya ang nasabing mga kagamitan ay upang mailigas sa anumang kapahamakan ang tropa ng gobyerno.
Kaugnay nito,nasa kustodiya na ng Bukidnon Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine ang nasabing mga pambasabog habang inaalam ang naging kasabwat na mga personalidad para sampahan ng kaukulang mga kaso partikular sa paglabag ng mga probisyon ng Ottawa Convention.
Sa nabanggit na kasunduan,malinaw na ipinagbawal ang paggawa,pag-iimbak,paggamit o paglilipat ng mga pambasabog na maglalagay ng malaking panganib hindi lamang sa mga buhay ng sundalo bagkus ay maging sa mga sibilyan.