-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development na aabot sa 500 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps mula sa Quezon City ang tuluyan nang nagtapos sa naturang programa.

Personal na dumalo si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa isinagawang programa sa Quezon City Hall.

Ayon sa Quezon City LGU, layon ng seremonyang ito na bigyang pagkilala at pahalagahan ang mga pagsusumikap ng benepisyaryo ng 4Ps sa lungsod upang maging self-sufficient.

Kabilang sa mga nagtapos ay ang mga pamilya na mayroon nang stable source of income at nakapagtapos na ng anak sa kolehiyo.

Nagpaabot naman ng pagbati ang alkalde sa lahat ng mga nagsipagtapos na pamilya.

Ayon kay Mayor Belmonte, walong taon na naging bahagi ng 4PS program ang mga benepisyaryo nabanggit.