Nakatakdang ipamahagi sa ibat-ibang police units sa buong bansa ang nasa mahigit P1.2 billion halaga ng mga bagong procured na PNP equiments, matapos itong pinasinayaan kanina dito sa Kampo Crame sa panunguna ni PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan.
Kabilang sa mga ibinidang bagong biling kagamitan ay ang nasa 22 High speed Tactical watercraft units na nagkakahalaga ng P22 million bawat isa; nasa 5,767 units naman ng 5.56mm Basic Assault rifle (Galil Ace 22N); 355 units ng Patrol Jeep single cab; Shuttle Bus; VHF Lowband handheld radio.
Ang AFP MBAAI ay nagdonate naman sa PNP ng dalawang 2020 Toyota coaster at isang Nissan Urvan NV350 Cargo shuttle na nagkakahalaga ng P8.7million.
Sinabi naman ni Cascolan, ang recipients ng mga patrol jeep ay ang mga Municipal Police Station; ang shuttle bus ay sa mga regional headquarter; ang High Speed Tactical Water Craft ay sa Maritime Group at Special Action Forc; ang 5.56mm Basic assault rifle ay para sa mga police mobile forces at ang VHF lowband handheld radios ay sa Communication and Electronic Service.
Ayon kay PNP Chief ang mga bago at dagdag na kagamitan sa PNP ay magsisilbing motivation sa mga pulis na gawin pa ng mahusay ang kanilang trabaho lalo na sa pagpapatupad ng peace and order at sa kanilang law enforcement operations.
Asahan nang lalakas pa ang pwersa ng Philippine National Police (PNP) ngayong madagdagan ng mga bagong sasakyan at armas.
” These new assets and equipment were funded thru Capability Enhancement Programs 2019 and 2020, ” wika ni Cascolan.