-- Advertisements --
Neri Colemenares
Neri Colmenares/ FB image

VIGAN CITY – Isiniwalat ng isang dating partylist representative na mayroon umanong isiningit na higit P1.7 trillion na pork barrel fund sa panukalang pondo para sa susunod na taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares na ang nasabing pork barrel ay itinago o isiniksik umano sa mga special purpose fund na hindi naman naka-itemize.

Maliban pa dito, mayroon din umanong pork barrel na posibleng naisingit sa intelligence funds na kasama sa nasabing proposed national budget.

Kaugnay nito, hiniling ng dating mambabatas na kung maaari ay pag-aralang mabuti ng mga kongresista at mga senador ang panukalang pondo para sa susunod na taon upang matanggal ang mga isiningit na pondo na maaaring gamitin para sa pagpapa-unlad ng mga social services sa bansa.