Matapos ang isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group , matagumpay nitong nakumpiska ang tinatayang aabot sa 250 grams ng pinaghihinalaang shabu.
Ang operasyon ay ikinasa katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay North Signal sa nasabing lungsod.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Group Acting Director PCol. Dionisio Bartolome Jr kasabay ng isinagawang operasyon naaresto ang mga suspect na kinilalang sina Mark Christian Saldo, Woody Castro Dela Cruz at Charlie Corpus.
Nakuha sa lugar na pinangyarihan ng operasyon at sa pag -aari ng mga suspect ang tinatayang aabot sa P1.7 million, 1000 na boodle money at isang sling bag.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga Pulis ang mga naaresto na suspect.
Dinala rin ang mga nasabat na ebidensya sa Special Operations Unit ng PDEG para ma dokumento.
Ang mga droga naman ay dinala sa Regional Forensic Unit 4A sa Calamba City sa Laguna.
Inihahanda na rin ng Pulisya ang kasong ihahain sa suspect na may kinalaman sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.