Aabot sa mahigit P1.7M na halaga ng smuggled cigarettes ang matagumpay na nadiskubre ng mga awtoridad sa Barangay Kayok, Liloy, Zamboanga del Norte.
Kinumpirma ito ng Police Regional Office-9 sa mga kawani ng media.
Ayon sa Police Regional Office-9, nadiskubre nila ang naturang mga kontrabando dahil sa ulat ng mga concerned citizen.
Ang mga inabandunang produkto ng tabako ay kaagad na ipinadala sa Zamboanga del Norte Maritime Station para sa dokumentasyon bago i-turn over sa Bureau of Customs para sa pag-iingat.
Pinuri naman ni Police Regional Office-9 Director Police Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding ang mga residente para sa kanilang pagbabantay at inulit ang kanyang suporta sa mga pagsisikap para ma secure at panatilihing ligtas ang komunidad.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang may-ari ng naturang mga kargamento.