Pumalo na sa mahigit P1 bilyon ang narerekober na bloke ng cocaine ng mga otoridad sa CARAGA region.
Ito ay dahil sa sunud sunod na pagkakarekober ng mga bloke ng cocaine
Ayon kay PRO-13, regional director Brig. Gen. Gilbert Cruz, nasa 18 bloke na ng cocaine ang kanilang narekober mula February 12, 2019 na umabot sa 227 kilos.
Nasa P1.1 billion naman ang market value ng mga narekober na iligal na droga.
Nakuha ang mga bloke ng cocaine sa Surigao del Sur, Surigao del Norte at Dinagat Islands.
Pinakahuli sa mga natagpuang cocaine sa Barangay Handamayan sa Bayan ng Lingig kung saan kahapon nang umaga ay napasakamay ng mangingisda ang dalawang bloke ng cocaine.
Ang mga nakuha na bloke ng cocaine ay may markang “Bugatti” at “Dollar Sign” habang ang pinakahuling cocaine naman na natagpuan ay may nakasulat na “Coca-Cola.”