-- Advertisements --

Higit isang bilyong piso na ang naitatalang pinsala na iniwan ng bagyong Urduja.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, batay sa kanilang datos nasa P475 million ang pinsala sa agrikultura habang nasa P550 million naman sa imprastraktura.

Sinabi ni Marasigan kabilang sa mga  napinsala na mga pananim ay tulad ng mga maisan, palayan at high value crops kasama ang mga livestock na nasa Masbate, Sorsogon, Camarines Sur, Cebu, Leyte, Biliran, Southern Leyte, Samar, Eastern Samar at Northern Samar.

Pahayag ni Marasigan, posibleng mas lomobo pa ang halaga ng mga napinsala ng bagyong Urduja dahil patuloy pa ang mga impormasyon na nakakalap ng NDRRMC sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.