-- Advertisements --
Naghain ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa National Capital Region wage board sa hangaring maitaas pa ang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Sa petisyon na kanilang inihain, hangad nilang na maitaas ang minimum wage ng mga empleyado mula P537 hanggang P1,247.
Una rito, sinabi ng TUCP na ang daily wage earners sa Metro Manila ay dapat nang tumatanggap ng P1,247 salary para sa normal at disenteng pamumuhay.
Iginiit nila na “highly insufficient” ang kasalukuyang P537 wage para sa minimum wage earners sa Metro Manila dahil na rin sa pagtaas na rin ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.