-- Advertisements --

LA UNION – Umabot na sa P1,166,000.00 ang kabuuang danyos sa aquaculture dito sa La Union sa loob lamang ng dalawang linggo na pananalasa ng matinding epekto ng El Niño.

Ito ay base sa pinakahuling report na inilabas ng Department of Agriculture (DA) Region one.

Napag-alaman ng Bombo Radyo La Union kay Irene Tactac, planning officer at head secretariat ng DRRMO sa DA-Region 1, ang nasabing danyos ay mula lamang sa bayan ng Bacnotan at Naguilian ditoy probinsiya.

Sinabi ni Tactac na partikular na naapektuhan ng matinding init ng panahon ay ang mga isdang tilapia, malaga, bangus at fresh water prawn na mula sa mga fishpond at fishcages.

Samantala, naka-monitor ngayon ang departmento sa bayan ng Aringay na may 5 mga barangay na nag-aalaga ng isda gaya ng Barangay Sto. Rosario West, Sto Rosario East, Dulao, Sta. Lucia at Barangay Samara.

Ang bayan ng Aringay ay kilala bilang isa sa mga pinanggagalingan ng magagandang kalidad ng isdang bangus sa buong probinsiya.