-- Advertisements --

NAGA CITY- Nakumpiska ang higit P1-M na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad laban sa isang drug personality sa Brgy.Concepcion Pequeña, Naga City.

Kinilala ang suspek na si Joseph Nabor, 41-anyos, residente ng Purok 2, Brgy. Salugan Camalig, Albay.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman na nakabili ang nagpanggap na posuer buyer sa suspek ng isang piraso ng knot tied transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu gamit ang P500 bilang buy bust money.

Sa inisyal na imbestigasyon pa ng mga otoridad, nabatid na nakuha pa kay Nabor ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachets ng pinaghihinalaang iligal na droga.

An mga nabanggit na illegal drugs ang mayroong bigat na umaabot sa humigit-kumulang sa 200 grams at nagkakahalaga ng nasa P1,360,000.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng mga kapulisan ang suspek para sa karampatang kaparusahan.