-- Advertisements --

NAGA CITY- Kumpiskado ang nasa higit P1-M na halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang entrapment operation ng mga otoridad sa Brgy. Triangulo, Naga City.

Kinilala ang mga suspek na mga residente ng Salvacion, Del Gallego, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman na isinagawa ang nabanggit na transakyon sa harap ng isang establishments sa naturang barangay kung saan nakumpiska ang nasa P1.1-M na halaga ng smuggled cigarettes.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad napag-alaman pa na kaagad naman na naaresto ng mga kapulisan ang isang suspek pero kaagad naman na nakatakas ang isa pa gamit pinagmamanehong kotse.

Samantala, nagsagawa naman ng hot pursuit operation ang mga kapulisan pero bigo na matagpuan ang suspek.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng mga otoridad ang isa sa mga suspek habang patuloy naman ang paghahanap sa kinaroroonan ng isa pa.