-- Advertisements --
DIPOLOG CITY – Tinayang aabot sa P1,700,000 na halaga ng smuggled cigarette ang nakumpiska ng mga otoridad sa Intel Driven operation sa Purok Carbibe, Barangay Buluan, Ipil sa Zamboanga Sibugay.
Ayon sa report, narekober ang mga sigarilyo mula sa isang abandonadong Isuzu elf na naglalaman ng 68 kahon ng San Marino cigarettes.
Kasalakuyang nasa kustodiya ng Ipil Municipal Police Station ang mga nasabat na smuggled cigarettes at ang inabandonang sasakyan.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pagtukoy o identity ng may-ari ng sasakyan.