-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Aabot sa P1.44 milyong halaga ng mga marijuana ang nakumpiska sa tatlong turista na naaresto sa isinagawang checkpoint/interdiction operation sa Poblacion, Sadanga, Mountain Province, kagabi.

Nakilala ang mga ito na sina Jeffrey Mateo De Guzman, 48-anyos; Allandrix Sagcal Eligio, 40; at si Jerry Cunanan Salonga, 36, pawang residente ng Cabanatuan City.

Nakuha mula sa na-impound nilang van ang 11 marijuana bricks at isang tubular marijuana na may bigat na aabot sa 12 kilo.

Batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera, isinagawa ang operasyon matapos silang makatanggap ng impormasyon ukol sa pagbiyahe ng nasabing sasakyan na may plakang NOC 606 ng mga iligal na kontrabando.

Sa ngayon, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.