-- Advertisements --

NAGA CITY – Aabot sa P1.5-milyon ang halaga ng mga nakumpiskang hardware materials na sinira ng Department of Trade and Industry (DTI) sa lungsod ng Naga.

Sa panayam kay Edna Tejada, provincial director ng DTI-Camarines Sur, sinabi nitong ang naturang mga materyales ang nakumpiska sa isinagawang inspeksyon ng ahensya sa dalawang hardware company.

Ayon kay Tejada, binubuo ito ng nasa 990 rolls ng tiewires at nasa 4250 piraso ng steel bars.

Aniya, maliban sa mga sinirang materyales, may mga kumpanya ring pinagbayad ng mahigit sa P100,000 bilang penalidad.

Dagdag pa ng direktor, nadiskobre nilang walang proper markings ang naturang mga materyales at hindi nakapasa binigay na standards ng ahensya kung kaya nauwi sa pagkakakumpiska ng mga produkto at pagpataw ng penalidad.