-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umabot na sa higit P1.1 million na halaga ng food packs ang naipamigay sa 4,299 na pamilya o 17,985 na indibidwal ang naaapektuhan ng Bagyong Betty sa Western Visayas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Darwin Papa, head ng Iloilo City Disaster Risk Reduction and Management Office, sinabi nito na sa nasabing bilang ang Lungsod ng Iloilo ang may pinakamaraming apektadong indibidwal na umaabot sa 9, 296 o 1,860 na pamilya, pangalawa ang Negros Occidental na may 4,718 na indibidwal o 1, 197 na pamilya, pangatlo ang Antique na may 3, 511 na indibidwal o 1,099 na pamilya, pang-apat ang Iloilo Province na may 279 na indibidwal o 85 na pamilya at panghuli ang Aklan na may 181 na indibidwal o 58 na pamilya.

Nagmula ang mga apektadong residente sa 112 na barangay sa rehiyon kung saan 47 ang mula sa Antique, 24 sa Iloilo City, 22 sa Negros Occidental, 11 sa Iloilo at 8 naman sa Aklan.

Isa naman ang naitalang patay matapos tamaan ng kidlat sa Aklan.

Dalawang tulay at isang kalsada naman ang hindi madaanan sa Antique.

Sa 26 mga pantalan naman sa rehiyon 22 na ang bumalik sa balik operasyon at apat na byahe na lang ang suspendido partikular sa Negros Occidental.

34 naman na mga bahay ang nasira sa rehiyon kung saan 19 dito ang naitala sa Iloilo, 7 sa Aklan, 6 sa Antique at 2 sa Negros Occidental.

Suspendido naman ang 72 mga klase, kung saan 34 dito ang sa Iloilo, 19 sa Negros Occidental, 18 sa Antique at isa sa Aklan.