Aabot sa higit P10.8 milyon na halaga ng marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad sa munisipalidad ng Kibungan at Mankayan sa lalawigan ng Benguet.
Ayon sa Benguet Police Provincial Office, aabot sa 90 kilograms ng pinatuyong tangkay ng marijuana.
Ito ay natagpuan sa isang isang communal forest sa Sitio Ginawang, Barangay Poblacion, Kibungan.
Nakatago ang mga ito sa ilalim ng isang rock shade na natatakpan ng plastic canvas.
Naging matagumpay ang naturang operasyon sa pagtutulungan ng Kibungan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit-Provincial Drug Enforcement Unit-Benguet, Regional Intelligence Division-Police Regional Office-Cordillera, at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region
Lahat ng natuklasang marijuana ay naidokumento at sinunog sa lugar at ang mga sample ay dinala sa Regional Forensic Unit-Cordillera para sa isang qualitative test.