-- Advertisements --
242416355 1877033205816855 851994068684266393 n

CEBU CITY – Aabot sa P10.4 million na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng Cebu City PNP sa dalawang magkahiwalay na anti-drug operation sa lungsod ng Cebu kagabi.

Sa unang operasyon ng ikinasa ng City Drug Enforcement Unit sa Avocado St., Brgy. Mambaling, Cebu City sa alas-10:30 na ng gabi ay naaresto ang isang high value individual na kinilala na si Bryan Leyson Osabel, 35, walang asawa at isang computer technician sa Brgy. Pasil, Cebu City.

Nakuha kay Osable ang hindi bababa sa P3.41 million halaga ng kalahating kilo ng hinihinalang shabu.

Sa kasunod operasyon, nahuli sa mga otoridad si Benjie Torreon Lupian, 42, fish vendor at naninirahan sa Belgium Street, Brgy., Suba, Cebu City.

1 1

Nahuli sa Lupian sa B. Aranas Ext. , Brgy. Duljo Fatima, Cebu City sa isang operasyon na isinagawa ng mga operatiba ng Mambaling Police Station.

Aabot sa P7.1 million ang halaga ng nakuhang isang kilo ng hinihinalang shabu.

Ayun sa dalawang suspek na may nag-utos lang sa kanila na ihatig ang mga nasabing kontrabando.

Dahil sa dalawang matagumpay na operasyon, ikinatuwa ni Cebu City PNP Director na si Police Col. Josefino Ligan ang pagkadakip ng mga suspek at pagkumpiska narin sa mga iligal na drugas.

Kakaharapin ngayon ng mga dalawang suspek ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.