-- Advertisements --

NAGA CITY – Mahaharap ngayon sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang dating pulis matapos na silbihan ng search warrant ng otoridad sa Goa, Camarines Sur.

Kinilala ito na si Joshua Galan alyas Jack, 36-anyos at residente ng Zone 5, Barangay Benito ng nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Agent Pongs ng Philippine Drug Enforcement Agency-Camarines Sur, sinabi nito na isinilbi ng pinag-isang puwersa ng PDEA, PNP at National Bureau of Investigation ang search warrant laban sa suspek na inisyu ni Hon. Soliman Santos, acting executive judge ng Regional Trial Court Naga City.

Nakuha umano sa pag-iingat ni Galan ang nasa 15 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P102,000.

Ayon kay Agent Pongs, dating pulis umano si Galan sa Camarines Sur ngunit nag-AWOL matapos masangkot sa illegal drugs.