BAGUIO CITY – Binunot at sinunog ng mga operatiba ng Benguet Provincial Mobile Force Company ang higit P11.48 million na halaga ng mga fully grown marijuana plants sa dalawang sitio sa Kibungan, Benguet kahapon.
Nadiskobre ang mga iligal na pananim sa walong taniman na may lawak na 9,252 square meters sa Sitio Pagidey at Sitio Batangan sa Barangay Tacadang.
Kabuuang 13,380 na piraso ng mga fully grown marijuana plants at 67,600 na marijuana seedlings ang nadiskobre at binunot ng mga otoridad.
Natagpuan din mula sa mga plantation sites ang 20 kilos na mga naaning marijuana stalks.
Agad sinunog sa mga plantation sites ang mga binunot na marijuana plants habang dinala sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet ang natagpuang marijuana stalks para sa ceremonial burning.
Gayunman, walang naarestong cultivator sa isinagawang operasyon.
Mga OFW sa Thailand, binalaan ng Philippine Embassy sa pagsuot ng itim na damit upang hindi maugnay sa mga raliyesta at maaresto ng gobyerno