Binuksan na ngayong araw ang mahigit P118.8-M na halaga ng newly constructed 50-meter na tulay sa lalawigan ng La Union.
Ang tulay ay nagkakahalaga ng P118.8 milyon at ang pagtatayo ay may tatlong span na 15 metro, 20 metro, at 15 metro at sinusuportahan ng dalawang pier at dalawang abutment para sa pinahusay na katatagan ng istruktura.
Inaasahang mapapasigla ng tulay ang aktibidad sa ekonomiya sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maikli, mas mabilis, at mas cost-effective na transport system sa bayan ng Santol at San Gabriel, La Union.
Gagampanan din nito ang mahalagang papel sa pagpapalakas ng ugnayan ng kalakalan at negosyo sa pagitan ng rehiyon ng Ilocos at Rehiyong Administratibo ng Cordillera.
Dumalo si Sen . Imee Marcos at si Santol Mayor Magno A. Wailan.
Ang proyekto ay ipinatupad ng Department of Public Works and Highways-Ilocos sa pangunguna ni Director Ronnel M. Tan.