Matagumpay na nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang aabot sa mahigit P13.5 milyon na halaga ng ilegal na droga sa lungsod ng Pasay.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng BOC sa Philippine Drug Enforcement Agency at NAIA Inter-agency Drug Interdiction Task Group.
Nadiskubre ng mga awtoridad ang package na naglalaman ng mahigit limang libong mga tableta ng hinihinalang ecstasy at tinatayang isang libong gramo ng ketamine.
Batay sa impormasyon, ito ay indeneklarang mga canned goods at prutas mula sa bansang Denmark habang ang claimant ay mula sa lungsod ng Taguig.
Kaugnay nito, kasong kriminal ngayon ang kinakaharap ng claimant ma may kinalaman sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act.
Nagpaabot naman ng papuri si Customs Commissioner Bienvenido Rubio sa kanyang mga tauhan dahil sa matagumpay na operation.
Tiniyak rin nito ang patuloy na suporta at mga hakbang ng ahensya para mapigilan na makapasok sa bansa ang mga ipinagbabawal na gamot at maging ang pagprotekta sa mga border ng Pilipinas.