-- Advertisements --

pdeg6

Nasa kabuuang P13.6 million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa ikinasang buy-bust operation kaninang alas-4:30 ng hapon sa may bahagi ng Langit Road corner Crusher Street, Phase 9, Package 7C, Bagong Silang, Caloocan City.


Ayon kay PDEG Director PBGen. Remus Medina, arestado sa nasabing operasyon ang drug suspek na isang babae.

Sinabi ni Medina na matagal na nilang minamanmanan ang nasabing drug suspek at kanina nagkaroon sila ng magandang pagkakataon.

Ang PNP DEG-SOU 3 ang siyang lead unit sa nasabing operasyon sa pakikipag tulungan ng mga tauhan ng PDEA-NCR at Caloocan City Police Sub-Station 12.

Kinilala ni PBGen. Medina ang naarestong drug suspek na si Janesa Cabardo Canoy aka Jane, 25-anyos, residente ng 295 Sandico Street, Tondo,Manila.

pdeg7

Nakumpiska sa posisyon ng suspek ang mga sumusunod:

Isang pulang plastic bag na naglalaman ng isang Green and Gold Chinese Tea Bag na naglalaman ng umanoy shabu na may timbang na isang kilo at tinatayang nasa P6.8 million ang market value nito.

Isang skyblue plastic sako bag naglalaman din ng isang Green and Gold Chinese Tea Bag na naglalaman din umano ng shabu na may isang kilong timbang at may market value ng P6.8 million.

Nakumpiska din sa suspek ang 15 bundles ng Boodle money, isang brown na Louis Vuitton sling bag; isang light brown pouch na naglalaman ng mga identification cards, at isang black Oppo Smartphone.

Sinabi ni Medina na nasa kabuuang dalawang kilo ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga operatiba na nagkakahalaga ng P13.6 million

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP DEG ang inarestong suspek para kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa iligal na droga.