Nasabat ng mga otoridad ang nasa P13.6-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa isang videoke bar sa Brgy. Jefmin, Concepcion, Tarlac.
Sa isang pahayag, sinabi ng Police Regional Office 3 (PRO3), nauwi sa shootout ang operasyon, na nagresulta sa pagkamatay ng isang Nigerian national na nakilalang si Gabriel Onyechefula.
Nakuha rin ng pulisya ang isang caliber 9mm machine pistol na may mga bala, dalawang piraso ng totoong P1,000 papel, at 14 na bundle ng boodle money.
Ayon kay PRO3 director Police Brigadier General Valeriano de Leon, si Onyechefula ay miyembro ng West African Syndicate na responsable sa pagiging talamak ng shabu at cocaine sa bansa.
Inilahad pa ni Valeriano na nangre-recruit umano ang sindikato ng mga Pilipino para maging drug mule.
“Thru our revitalized drug campaign in line with the directives of PNP chief Police General Debold Sinas, all police units are working closely together to stop the proliferation of illegal drugs not just in the region but the entire country,” pahayag ni De Leon.
“[A]nd we appeal to everyone to continue helping us in our campaign against illegal drugs in order to make our country drug-free,” dagdag nito.