-- Advertisements --

Sumampa na sa mahigit P130 million ang halaga ng mga nasira sa sektor ng agrikultura at imprastraktura matapos manalasa ang bagyong Rosita sa ilang rehiyon sa bansa.

Ito ay batay sa latest na datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Umabot sa mahigit P72-milyon ang nasirang mga irigasyon habang mahigit P12-milyon din ang nasirang mga fisheries facilities at infrastructure.

Ang Region 2 ang nagtala ng pinakamalaking pinsala na umabot sa P44 milyon.

Samantala, umabot naman sa mahigit P18-milyon ang naibigay na tulong ng gobyerno sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo sa Regions 1, 2, 3, 4-B, 8 at Cordillera.