-- Advertisements --

Aabot sa kabuuang P12,996,700 na halaga ng assorted na ilegal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa lungsod ng Pasay.

Kinumpirma ito ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency ngayong araw.

Ayon sa PDEA, nakumpiska ng Ninoy Aquino International Airport-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang naturang ilegal na droga mula sa 21 abandoned inbound parcels .

Ito ay naglalaman ng hindi bababa sa 7,791 gramo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng P10,907,400 .

Nakuha rin sa parcel ang ecstasy tablets na may street value na aabot sa P2,089,300 sa Central Mail Exchange Center ng paliparan.

Idineklara umano ang naturang mga parcel bilang tea, wiring harnesses, clothing, books at mga skin products.

Mahaharap naman ang consignee nito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.