-- Advertisements --
Sumipa na sa mahigit P14.95 bilyon ang halaga ng pamumuhunan na naitala ng Philippine Economic Zone Authority sa Pilipinas sa unang bahagi pa lamang ng taong 2024.
Sa isang pahayag, sinabi ni PEZA Director General Tereso O. Panga na ito ay mas mataas ng 19.25% na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sinabi pa ni Panga na umabot na rin sa 50 bagong expansion projects ang naitala ng PEZA.
Ito ay mula naman sa ilang sector kabilang na ang IT-Business Process Management logistics, facilities, domestic markets.
Pasok rin dito ang ecozone development na nagkakahalaga ng nasa $616.59 milyong dolyar.
Nakapaglikha naman ang naturang halaga ng pamumuhunan ng aabot sa mahigit 11,500 na trabaho.